Wednesday, February 4, 2009

PAMAGAT: 100

KAHULUGAN NG PAMAGAT: Ang “100” ay nangangahulugan na ang isandaang bagay na nais gawin ng pangunahing tauhan bago siya mamatay.

PANGUNAHING TAUHAN:

JOICE-isang babaeng titulada na may terminal cancer. Nang malaman niya ito, naisip niya ang maglista ng isandaaang bagay na nais niyang gawin bago siya mamatay.

RUBY-siya ang matalik na kaibigan ni joice na umalalay sa kanya habang siya ay may sakit.

INA NI RUBY- siya ang huling nakaalam ng kondisyon ni Joice. Puno siya ng pagasa na gagaling pa ang anak.

SUMUSUPORTANG TAUHAN:

EMIL-dating kasintahan ni Joice na nais balikan ng dalaga ngunit ito ay nagpari na.

ME-AN- kasambahay ni Joice na umalalay sa kanya habang siya ay may sakit.

ROD- dating kasintahan na tinalikuran na ni Joice dahil siya ay may asawa na.

TEMA NG PELIKULA:

Ang pelikula ay tungkol sa kung gaano natin yayakapin ang kahalagahan ng buhay. Mas pinahalagahan ang buhay ng isang tao kung ito ay mamamatay na. ang pelikula ay sumesentro sa buhay at ang mga bagay na nakapaloob dito. Tinuturuan tayo nito ng lahat ng bagay, positibo man o negatibo ay part eng buhay. taglay nito ang tema ng buhay.

ASPETONG TEKNIKAL:

A. SINEMATOGRAPIYA

Maganda ang pagkakalahad sa pelikula. Gumamit ito ng mga makabagong karanasan na sumasalamin sa modernong pamumuhay. Ang setting ng pelikula ay tugma sa karakter na inilalahad ng istorya. Bukod pa dito, ang pagkakalarawan sa lugar matapos ng kamatayan ay umaakma sa paglalarawan na nririnig natin sa karamihan. Ang panimula ng pelikula ay agad na nagpahiwatig ng tema nito. Moderno ang estilo ng pagkakalahad at paglalarawan nito at tiyak na marami sa mga manonood ang makakaugnay sa nais ipahiwatig ng pelikula.

B. MUSIKA O SOUNDTRACK

Ang ilang eksena sa pelikula ay nilakipan ng mga kanta at tugtog na babagay sa damdaming umiiral dito. Ang mga el\ksena kung saan ay nagpapakasaya sina Joice at Rubi ay nilakipan ng mga masasayang kanta na may mensaheng pahalagahan ang buhay at i-enjoy ito. Ang mga eksenang madrama ay nilakipan ng mga malulungkot na kanta kung saan pati ang mga manonood ay madadala sa emosyon ng eksenat at kanta. Nag musika ng pelikula ay nakapagdagdag ng kulay sa kwento ng pelikula.

KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA:

Maganda ang mensahe ng pelikula. Sa umpisa, aakalain mo na puro kadramahan lamang ang nilalaman nito. Nais nitong ipahayag na ang buhay ng tao ay maikli lamamng. Mayroon tayong pagkakataong mabuhay at kailangan ay lubos-lubusin natin ito. Gamitin natin ang pagkakataon na ito upang pahalagahan hindi lamang ang mga tao sa ating paligid kung hindi ay pati na rin ang ating mga sarili. Hindi balanse ang buhay natin kung sarili lang ang pinahahalagahan natin at hindi ang kapwa o kaya naman ay puro kapwa lang at tila wala nang tinitira para sa ating sarili. matalinghaga ang buhay hindi lamang ito puro sakripisyo at hindi puro saya. Kalakip nito ang mga bagay na hindi natin inaakalang meron pala ito. Minsan, kapag dumadating na ang kamatayan para sa atin, doon natin mas pinahahalagahan ang ating buhay. Mas nilalapit natin ang ating sarili sa Diyos. Nagsisisi tayo sa lahat ng bagay na ating pinalagpas sa ating mga palad.

BUOD:

Ang pelikula ay nagsimula sa katahimikan ng lugar na aakalaing langit. Matapos nito, nanumbalik ang kasalukuyan pangyayari sa isipan ni joice. Nang malaman niya na meron siyang terminal cancer, naisip niyang maglista sa isang memo pad ng mga bagay na nais niyang gawin bago siya mamatay. Idinikit niya ang memo pad sap arte ng kanyang kuwarto. Inilista niya ang lahat ng nais niya hanggang umabot ito sa isang daan

Inumpisahan niya ang lahat sa pagreresign sa trabahong matagal na niyang ginagawa. Ikinagulat ito ng kanyang mga katrabaho pati na ang amo. Sa listahan niya sa kanyang kuwarto, tinanggal niya ang memo pad kung saan nakasulat ang gawaing ito. Sa tuwing gumagawa siya ng mga bagay na nakalista, tinatanggal niya ang memo pad na kung saan nakasulat ito. Hiniwalayan niya ang nobyong si Rod. Binalikan niya si Emil. Nagulat siya nang malaman na nagpapari ito. Tinanggap niya ito at tinuring na kaibigan si Emil. Maraming bagay ang ginawa niya kasama ang kaibigang si Ruby. Dito ay napaigting nila ang kanilang pagkakaibigan. Mayroon siyang isa pang bagay na hindi nagagawa; ang sabihin ang kondisyon sa kanyang ina.

Hindi rin nagtagal ay nalaman na ng kanyang ina ang sakit niya. Kung saan saan siya dinala nito at kung anu-anung ritwal ang pinapagawa sa kanya. Puno pa rin ng pag-asa ang ina. Hindi basta-basta nasulusyunan ang sakit ni joice. Natanggap na niyang mamamatay na siya. Naging masaya ang kanyang pagkamatay dahil nagawa niya ang isangdaang bagay na nais niyang gawin.



Pagsusuri


ng

Pelikula

Alyanna Jennifer B. Valdon

4- Scarlet

Gng. Rotia

-guro

No comments: