Wednesday, February 4, 2009

Pamagat: Malayo man, Malapit din

Ni: Rosie Espina

Tauhan;

Brix- sang kialalang ballet dancer na iniwan ang lahat sa pilipinas at nag abroad.

Salve-Kasintahang naiwan ni Brix

Tatiana- Russian dancer na naging nobya ni Brix sa Russia

Justin- ballet master ng grupo ni Tatiana at Brix

Boris- kaibigan ni Brix sa Moscow

Ronel- ipinalit ni Salve kay Brix

Mrs. Alba- ina ni Brix

Buod:

Pangarap ni Brix ang maging sikat na ballet dancer. Natupad ang kanyang pangarap nang makilala niya si Salve. Sabay silang nangarap at naging magkasintahan. Magka partner sila sa bawat pagtatanghal sa ballet. Masaya ang buhay nilang dlawa. Biglang nadiskubre si Brix at nakasama siya sa Bolshoi Ballet ng Russia na isang sikat na grupo.

Sumikat siya sa ibang bansa. Nahulog sa patibong ng tukso si Brix. Naging magkasintahan sila ng ballerina na si Tatiana. Ngunit napinsala ang binti ni Brix at hindi na makapagsasayaw pa. nawalan siya ng trabaho at hiniwalayan ni Tatiana. Hindi natagalan ng binata ang pag-iisa sa isang banyaga na lugar.

Bumalik siya ng pilipinas at hinanap si Salve. Nalaman na niyang ang mahal niyang si Salve ay may nobyo nang iba. Pinilit pa rin ni Brix ang sarili kay Salve. Hindi nagtagal ay nanumbalik ang pagmamahalan ng dalawa. Napatunayan ni Brix na si Salve nga talaga ang mahal niya.

Aral:

Sentro ng akda ang pagmamahal. Ang aral na aking natutunan ay ang kahalagahan ng tunay at wagas na pag-ibig. Kahit na malayo ang pagitan ng isa’t-isa, hindi ito magiging hadlang kung tunay ang pag-ibig na nadarama. Lahat ng tao ay nagkakamali. Sa bawat pagkakamali, dapat tayong matutong bumangon at baguhin ang pagkakamaling nagawa. Sa nobelang ito, nahulog sa patibong ng tukso si Brix. Napagtanti niyang mai siya at handa siyang baguhin ang pagkakamaling nagawa. Ganoon din sa buhay. Dapat ay natututo tayong baguhin ang ating pagkakamali sa ngalan ng tunay na pag-ibig.

Research

sa

Filipino

Alyanna Jennifer B. Valdon

4- Scarlet

Gng. Rotia

-guro

Kaligiran Kasaysayan ng Nobela

Panahon ng Kastila -nagsimula ang nobela sa panahong ito Paksain: relihiyon, kabutihang-aral, nasyonalismo, reporma/pagbabago

Uri: 1. Nobelang Pangrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-aral 2. Nobelang Mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo

Commission Permanente de Censura - sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila Halimbawa ng Nobela: 1. Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Dr. Jose Rizal -mapanghimagsik 2. Doctrina Christiana (1593) -Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva -pangrelihiyon 3. Urbana at Felisa -Padre Modesto de Castro -kagandahang-asal -panrelihiyon 4. Barlaan at Josaphat (1703) -Padre Antonio de Borja -pangrelihiyon 5. Ninay -Pedro Paterno (unang nobela) 6. Ang Bandido sa Pilipinas -Graciano Lopez-Jaena -panahon ng propaganda -mapanghimagsik

Panahon ng Amerikano Paksain: pag-ibig I. Aklatang Bayan (1900-1921) Paksain: paghihimagsik, buhay lalawigan, karanasan -maunlad ang nobela -inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela (payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata) -Lope K. Santos [Ama ng Barilang Tagalog] - nagsimula ng ganitong paglalathala Halimbawa ng mga Pahayagan: 1. Ang Kapatid ng Bayan 2. Muling Pagsilang 3. Ang Kaliwanagan Halimbawa ng Nobela: 1. Salawahang Pag-ibig -Lope K. Santos 2. Unang Bulaklak -Valeriano Hernandez Peña (VHP) -pahayagan: Ang Kaliwanagan 3. Nena at Neneng -VHP -pahayagan: Ang Kapatid ng Bayan 4. Mag-inang Mahirap -VHP -pahayagan: Muling Pagsilang 5. Sampaguitang Walang Bango (1918) -Inigo Ed Regalado II. Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934) -hindi maunlad ang nobela -nobelista - nahalina sumulat ng tula at maikling kwento Halimbawa ng Nobela: 1. Mutyang Itinapon - Rosalia Aguinaldo 2. Magmamani - Teofilo Sanco III. Malasariling Pamahalaan -bumaba ang uri ng nobela -dahilan: a) pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento b) pagbabagong panahon

Panahon ng Hapon -hindi naging maunlad ang nobela -kakulangan sa materyales (papel) -niliitan ang mga letra (Liwayway) Halimbawa ng Nobela: 1. Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez 2. Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz 3. Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago 4. Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo 5. Ibong Mandarangit - Amado V. Hernandez 6. Daluyong - Lazaro Francisco

Panahon ng Republika (1946-1972) -walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela (tradisyunal) Paksain: nasyonalismo, isyung panlipunan Layunin: mang-aliw ng mambabasa Halimbawa ng Nobela: 1. Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes 2. Binhi at Bunga - Lazaro Francisco 3. Dekada 70 - Lualhati Bautista

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan) Paksain: reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay -nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway -nasa pamantayang komersyal Halimbawa ng Nobela: 1. Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol 2. Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista

Kahulugan ng Nobela -mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan

Layunin: 1. gumising sa diwa at damdamin 2. nananawagan sa talino at guni-guni 3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa 4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan 5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian: 1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan 2. pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay 3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad 4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili 5. binubuo ng 20 000-40 000 na salita 6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan 7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan 8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

Elemento: 1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela 3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda 5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari 7. pamamaraan - istilo ng manunulat 8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela 9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Uri: 1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan 2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na 3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa 4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa 5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan

Halimbawa ng Nobela: 1. Banaag at Sikat (1906) -Lope K. Santos -Pan. ng Amerikano 2. Kanal dela Reina -Liwayway Arceo -Kontemporaryo 3. Kangkong 1896

Ang nobela o kathambuhay[1] ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Kahulugan [baguhin]

Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan

Layunin [baguhin]

  1. gumising sa diwa at damdamin
  2. nananawagan sa talino ng guni-guni
  3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
  4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
  5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian [baguhin]

  1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
  2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
  3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
  4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
  5. binubuo ng 20 000-40 000 na salita[pananangguni'y kailangan]
  6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
  7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
  8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

Elemento [baguhin]

  1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
  2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
  3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
  4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
  5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
  6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
  7. pamamaraan - istilo ng manunulat
  8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
  9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Uri [baguhin]

  1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
  2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
  3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
  4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
  5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
  6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan

PAMAGAT: 100

KAHULUGAN NG PAMAGAT: Ang “100” ay nangangahulugan na ang isandaang bagay na nais gawin ng pangunahing tauhan bago siya mamatay.

PANGUNAHING TAUHAN:

JOICE-isang babaeng titulada na may terminal cancer. Nang malaman niya ito, naisip niya ang maglista ng isandaaang bagay na nais niyang gawin bago siya mamatay.

RUBY-siya ang matalik na kaibigan ni joice na umalalay sa kanya habang siya ay may sakit.

INA NI RUBY- siya ang huling nakaalam ng kondisyon ni Joice. Puno siya ng pagasa na gagaling pa ang anak.

SUMUSUPORTANG TAUHAN:

EMIL-dating kasintahan ni Joice na nais balikan ng dalaga ngunit ito ay nagpari na.

ME-AN- kasambahay ni Joice na umalalay sa kanya habang siya ay may sakit.

ROD- dating kasintahan na tinalikuran na ni Joice dahil siya ay may asawa na.

TEMA NG PELIKULA:

Ang pelikula ay tungkol sa kung gaano natin yayakapin ang kahalagahan ng buhay. Mas pinahalagahan ang buhay ng isang tao kung ito ay mamamatay na. ang pelikula ay sumesentro sa buhay at ang mga bagay na nakapaloob dito. Tinuturuan tayo nito ng lahat ng bagay, positibo man o negatibo ay part eng buhay. taglay nito ang tema ng buhay.

ASPETONG TEKNIKAL:

A. SINEMATOGRAPIYA

Maganda ang pagkakalahad sa pelikula. Gumamit ito ng mga makabagong karanasan na sumasalamin sa modernong pamumuhay. Ang setting ng pelikula ay tugma sa karakter na inilalahad ng istorya. Bukod pa dito, ang pagkakalarawan sa lugar matapos ng kamatayan ay umaakma sa paglalarawan na nririnig natin sa karamihan. Ang panimula ng pelikula ay agad na nagpahiwatig ng tema nito. Moderno ang estilo ng pagkakalahad at paglalarawan nito at tiyak na marami sa mga manonood ang makakaugnay sa nais ipahiwatig ng pelikula.

B. MUSIKA O SOUNDTRACK

Ang ilang eksena sa pelikula ay nilakipan ng mga kanta at tugtog na babagay sa damdaming umiiral dito. Ang mga el\ksena kung saan ay nagpapakasaya sina Joice at Rubi ay nilakipan ng mga masasayang kanta na may mensaheng pahalagahan ang buhay at i-enjoy ito. Ang mga eksenang madrama ay nilakipan ng mga malulungkot na kanta kung saan pati ang mga manonood ay madadala sa emosyon ng eksenat at kanta. Nag musika ng pelikula ay nakapagdagdag ng kulay sa kwento ng pelikula.

KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA:

Maganda ang mensahe ng pelikula. Sa umpisa, aakalain mo na puro kadramahan lamang ang nilalaman nito. Nais nitong ipahayag na ang buhay ng tao ay maikli lamamng. Mayroon tayong pagkakataong mabuhay at kailangan ay lubos-lubusin natin ito. Gamitin natin ang pagkakataon na ito upang pahalagahan hindi lamang ang mga tao sa ating paligid kung hindi ay pati na rin ang ating mga sarili. Hindi balanse ang buhay natin kung sarili lang ang pinahahalagahan natin at hindi ang kapwa o kaya naman ay puro kapwa lang at tila wala nang tinitira para sa ating sarili. matalinghaga ang buhay hindi lamang ito puro sakripisyo at hindi puro saya. Kalakip nito ang mga bagay na hindi natin inaakalang meron pala ito. Minsan, kapag dumadating na ang kamatayan para sa atin, doon natin mas pinahahalagahan ang ating buhay. Mas nilalapit natin ang ating sarili sa Diyos. Nagsisisi tayo sa lahat ng bagay na ating pinalagpas sa ating mga palad.

BUOD:

Ang pelikula ay nagsimula sa katahimikan ng lugar na aakalaing langit. Matapos nito, nanumbalik ang kasalukuyan pangyayari sa isipan ni joice. Nang malaman niya na meron siyang terminal cancer, naisip niyang maglista sa isang memo pad ng mga bagay na nais niyang gawin bago siya mamatay. Idinikit niya ang memo pad sap arte ng kanyang kuwarto. Inilista niya ang lahat ng nais niya hanggang umabot ito sa isang daan

Inumpisahan niya ang lahat sa pagreresign sa trabahong matagal na niyang ginagawa. Ikinagulat ito ng kanyang mga katrabaho pati na ang amo. Sa listahan niya sa kanyang kuwarto, tinanggal niya ang memo pad kung saan nakasulat ang gawaing ito. Sa tuwing gumagawa siya ng mga bagay na nakalista, tinatanggal niya ang memo pad na kung saan nakasulat ito. Hiniwalayan niya ang nobyong si Rod. Binalikan niya si Emil. Nagulat siya nang malaman na nagpapari ito. Tinanggap niya ito at tinuring na kaibigan si Emil. Maraming bagay ang ginawa niya kasama ang kaibigang si Ruby. Dito ay napaigting nila ang kanilang pagkakaibigan. Mayroon siyang isa pang bagay na hindi nagagawa; ang sabihin ang kondisyon sa kanyang ina.

Hindi rin nagtagal ay nalaman na ng kanyang ina ang sakit niya. Kung saan saan siya dinala nito at kung anu-anung ritwal ang pinapagawa sa kanya. Puno pa rin ng pag-asa ang ina. Hindi basta-basta nasulusyunan ang sakit ni joice. Natanggap na niyang mamamatay na siya. Naging masaya ang kanyang pagkamatay dahil nagawa niya ang isangdaang bagay na nais niyang gawin.



Pagsusuri


ng

Pelikula

Alyanna Jennifer B. Valdon

4- Scarlet

Gng. Rotia

-guro